Plastic bags ibabawal sa QC

Sinertipikahan bilang urgent ordinance ni QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng plastic bags sa mga tindahan sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, ang  panukala na inakda ni Councilor Dorothy Delarmente ay kailangang agad na maipatupad upang maiwasan na maging sanhi ng pagbabara ng mga kanal ang mga plastic na nakakalat sa mga imburnal na siyang dahilan ng pagbaha laluna ngayong panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte ang Environment Pro­tection and Waste Management Department na makipag-ugnayan sa city council para sa mechanics ng pagpapatupad ng naturang programa kapag naaprubahan na ng konseho.

Sa ngayon, ang QC ay may 3 toneladang basura araw- araw na ang karamihan ay mga di nabubulok na basura tulad ng mga bote, metal at plastic bags

Kapag naaprubahan ito, ang sinumang lalabag ay magmu­multa ng P2,000 sa unang offense, P3,000 multa sa second offense at P5,000 sa ikatlong offense at pagkansela sa business permit ng establisimyentong lumabag  dito. (Angie dela Cruz)

Show comments