Mister at lover naaktuhan ni misis

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Station 1 ang magkalaguyo matapos maaktuhan at ireklamo ng nag-espiyang misis sa Tondo, Maynila, ka­­ha­pon ng umaga.

Ipinagharap ng reklamong concu­binage ni Sweet Baldovia ang mister na si Ernesto Baldovia, 24, basurero, ng #260 Interior 51 Davao St., Balut, Tondo at kalaguyo nitong si Angelika Bernardo, 20, ng Balut, Tondo.

Sa ulat,  dakong alas-6 ng umaga nang maaktuhan ni Sweet ang dalawa sa loob mismo ng bahay ni Angelika. Sa salaysay ni Sweet, dakong alas-4 ng madaling-araw ay gumising umano ang kan­yang mister at nag­pa­alam na maghahanap ng basurang mapagka­ka­kitaan.

Subalit kinutuban ang misis nito dahil na rin sa mga nasa­sagap na tsismis hinggil sa kinalo­lokohan ng kanyang mister kaya sinundan niya ito.

Na­tuklasan niya na puma­sok ito sa bahay ni Angelika kaya’t naghintay pa siya ng ilang minuto bago pumasok para maaktuhan ang dalawa. Mabilis na tumawag ng barangay tanod si Sweet bago ipinarating sa pulisya ang insidente. (Ludy Bermudo)

Show comments