2 snatcher nalambat

Dalawang snatcher ng cellphone ang nadakip ng mga awto­ridad sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Fernando, 31, binata, at George Brozo, 30, binata, kapwa residente ng Donato St., Brgy. 162, Sta. Quiteria sa lungsod. 

Nasakote ang dalawa matapos biktimahin ang isang Jimmy Cuevas, 25, binata, ng  #25 Benito St., C-3 Rd., sa lungsod. Bago naaresto ang mga suspek, puwersahang inagaw ang Nokia cellphone N-95 ng biktima na nagka­kaha­laga ng P30,000 saka mabilis na nagsipagtakas. (Ricky Tulipat)

Show comments