Amang humalay sa 2 anak, timbog

Isang 35-anyos na ama ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos mabun­yag ang ginagawa nitong panghahalay sa dalawa niyang paslit na anak sa Tondo, Maynila.

Nakapiit sa MPD-Sta­tion 1 ang suspect na si Freddie Ignacio, tricycle driver, ng Gate 20, Area H, Parola Compound, Tondo, Maynila dahil sa reklamo ng kanyang dalawang anak na sina Ann, 9; at Grace, 11, kapwa Grade III pupil sa Rosario Almario Elementary School.

Sa ulat, dakong alas- 11:30 ng tanghali nang dam­putin ang suspect sa loob ng kanyang bahay.

Nabatid na nag-ugat ang pagkakadiskubre sa isinasagawa nitong krimen nang ikuwento ng mga bik­tima sa kaklase ang paulit-ulit umanong panghahalay sa kanila ng ama at ang ka­klase nito ang nagku­wento naman sa kanilang guro.

Nang makumpirma sa mga biktima  ay agad itong ipinagbigay alam  kay Mary Jane Bienavidez, ng Dept. of Social Welfare and De­velopment (DSWD) na nag-report naman sa pulisya.

Ayon salaysay ng dala­wang bata, noong Oktubre pa  noong isang taon ay si­ni­mulan silang halayin ng ama. Hindi rin umano ipi­na­alam sa ina ang pangya­yari dahil sa takot sa banta ng suspect na sila ay pa­pa­tayin. Nitong Hunyo 2008 ay muli umano silang halinhi­nang ginahasa ng ama kaya muling nabuk­san ang usapin sa pag­kuku­ wento ng mga biktima sa kaklase. (Ludy Bermudo)

Show comments