Pekeng whitening cream, nasamsam

Nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investi­gation (NBI) ang may 1,855 piraso ng  pekeng Jiao Li & Device whitening soap at cream na nagkakahalaga ng P11,300 sa pag­salakay sa ilang tindahan sa Binondo, Maynila, sa ulat ka­hapon. Kaugnay ito sa reklamong inihain ng Jiao Li and Device com­pany sa tanggapan ni NBI-Regional Director Atty. Elfren Meneses, kaugnay sa trademark infringement umano ng kanilang produkto.

Kabilang sa sinalakay ang Alex Ong and/or Tailun General Merchandise, sa Room 201/201A, 2nd floor at Room 607, Don Mariano Uy Building, Oriente St., Binondo, Manila at stall nos. GUG 43-45 at  GUG 48-50 sa New Divisoria Mall, Binondo, Manila bitbit ang search warrant na ipinalabas ni Judge Antonio M. Eugenio Jr., ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24. Ipinag­harap na ng kasong paglabag sa Republic Act 8293 (Trade­mark Infringement) ang may-ari ng mga establisimyentong nabanggit. (Ludy Bermudo)

Show comments