Gang war: 1 todas,  1 sugatan

Nasawi ang isang 17- anyos na lalaki, samantalang nasuga­tan naman ang kasama nito matapos silang barilin ng isang grupo ng kalalakihan na naka-enkuwentro nila kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa leeg ang biktimang si Daryll Lagatic, out-of-school-youth,  ng  Pan­da­ can, Maynila, habang gi­nagamot din sa nasabing ospi­tal ang ka­ibigan nitong si John Mark Abu­jen, 18, residente rin ng na­sa­bing lugar dahil sa sugat sa binti.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga itinuturong sus­pek na nakilalang sina Joe­mel Rentoria, isang alias Joey at Ewad na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pulis­ya, dakong ala-1 ng madaling- araw nang naganap ang pama­maril sa harapan ng bahay ng biktima. Kasalukuyan umanong nagkukuwentuhan  ang biktima at kaibigan nitong si Abujen nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinaula­nan sila ng mga bato  at molotov bomb. Sinundan pa ito ng pa­ma­maril ng sumpak ni Ewad  kung saan tinamaan ang dalawa.

Nabatid na nag-ugat ang awayan ng magkabilang grupo noong araw ng Miyerkules kung saan binati umano ng grupo ng biktima si Rentoria habang nag­lalakad itong may kasamang kaibigan na babae  at biniro. Ipi­na­­lagay umano ng suspek na bi­nas­tos ang kaibigan nitong babae kaya nagtanim ito ng galit hanggang sa magtagpo ang grupo ng una at hinamon ng away ang grupo ng biktima.

Subalit naawat lamang sila ng isang Ronaldo Abujen, brgy tanod ng Brgy 849 Zone 93 Dis­trict 6 dakong alas-11 kama­kalawa ng gabi hanggang sa muling rumesbak ang grupo ng suspek dakong ala-1 kahapon ng madaling araw na naging sanhi ng kamatayan ni Lagatic. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments