Tsinoy na nang-hostage patay

Napatay ng pulis ang isang umano’y drug addict na Tsinoy makaraan ang ginawang pang­ho-hostage at pag-aamok na iki­nasugat sa tatlo niyang ka­sama sa bahay kabilang ang pitong-buwang na sanggol sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Isinugod pa sa Metro­politan Hospital ang suspect na si Kelvin Tan, alyas “Arvin Tan” ng Room 502 NECO building, sa #511 T. Pinpin St., Binondo, Manila bunga ng balang tinamo sa bibig mula sa baril ni PO3 Eduar­do Belamide, naka­talaga sa MPD-Station 11.

Sugatan at ginagamot sa nasabi ding ospital ang mga bik­timang sina Cindy Tan, 17, pin­san ng suspect; Mark Christian Rosete, 7-buwan, anak ni Cindy at Irene Pelaez, 30, ka­tulong ng suspek.

Sa report ni Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Station 11, dakong alas-8:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek.

Sa salsaysay ng ka­ tulong, balisa umano ang suspect na pabalik-balik na naglalakad sa loob ng bahay na mistulang nan­­lilisik ang mata kaya isinum­bong ito sa pinsang si Cindy su­balit binalewala umano ito ng huli. Matapos magtungo ng sus­pect sa kusina ay pumasok ito sa kuwarto na kinaro­roonan ng pamangking si Mark na walang sabi-sabi nitong pinag­ta­taga.

Dahil sa palahaw na iyak ng bata ay pumasok sa kuwarto sina Cindy at Irene kung saan nasaksihan ang ginagawa ng suspect sa baby kaya nagsi­sigaw ang mga ito. Gayunman, sila naman ang binalingang tagain ng suspect.

Sa kabila na sugatan ay nakuha pa ni Cindy na maka­labas ng bahay at humingi ng tulong. Mabilis naman ang pag­res­ponde ng mga pulis, subalit nagkulong ang suspect sa loob ng bahay kasama ang sugatang sina Martk at Irene na ginawa pa nitong hostage.

Hindi makuha sa paki­usap ang suspect kung saan naka­kuha naman ng tiyempo ang pulis na si Belamida na nakapasok sa bahay subalit nang makita siya ng suspect ay tinangka siyang sugurin ng taga kaya napi­litan na ang pulis na papu­tukan ito ng baril na naging dahilan ng pagka­sawi nito.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima. 

Sa imbestigasyon, lalo uma­nong nagpakalulong sa iligal na droga ang suspect makaraang layasan ng asawa dahil sa pagiging adik.

Show comments