2 kelot sugatan sa bomba

Sugatan ang dalawang lalaki habang limang sa­sakyan ang nasira nang su­mabog ang isang bom­ba na inihagis ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ka­hapon ng umaga sa Pan­dacan, Maynila.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila sanhi ng mga tama ng sharpnel sa hita ang biktimang si Reynaldo Yabut, 62, ng Brgy. 865 Zone 93 habang sa Philip­pine General Hospital naman ginagamot si Arturo Dominguez, 66, guwar­diya, ng 1901-D-Zamora st. Pandacan.

Sa ulat ni Senior Insp. Oliver Navales ng MPD-EOD,dakong alas-2 ng madaling-araw nang ma­ganap ang pagsabog sa ha­rapan ng bahay ng ne­gosyan­teng si Anita Buce, sa 2056 corner Pres. Qui­rino Ave., at Paradise St., Pandacan.

Nakaupo ang mga bik­tima nang biglang du­maan ang motorsiklo sakay ang mga suspek at biglang inihagis ang dala nilang bomba. (Grace Amargo-Garcia)

Show comments