Seguridad sa SONA handa na

Inihayag ng pamunuan ng Quezon City Police District na handa at naka­latag na ang seguridad para sa mapa­yapang pag­daraos ng ikapitong State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa Batasan Pam­ bansa sa Hulyo 28.

Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gat­dula na dalawang buwan nang nagha­handa ang kanyang mga tauhan sa Civil Disturbance Management unit sa pama­magitan ng “rehearsals” sa pagkontrol sa mga raliyista tuwing Martes at Huwebes kada Linggo. (Danilo Garcia)

Show comments