P10 pasahe sa jeep, ihihirit

Hindi pa man tuluyang na sisimulan  ang implementas­yon nationwide ng taas pa­sahe na P8.50 minimum fare sa mga pampasaherong jeep, ikakasa na ng militanteng transport group na Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Ope­rators Nationwide (PIS­TON) ang P10 minimum fare sa mga passenger jeepney nationwide.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, ito ay mangangahulugan ng P1.50 taas pasahe ang  ka­nilang hihingin sa Land Trans­portation Franchising Regu­latory Board (LTFRB)  bilang dagdag  sa kasalukuyang P8.50 minimum fare sa jeep. 

Sinabi ni San Mateo na ang hakbang ay bunsod ng isa na namang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo nitong Sabado, Hulyo 19 kung saan umaabot sa  P3 ang itinaas sa halaga ng diesel kada litro, P1 sa gaso­lina kada litro at P1.50 naman ang itinaas sa kerosene. 

Anya sa kabuuan mula Enero hanggang Hulyo 19, uma­abot na sa P22 ang iti­naas sa halaga ng  diesel at  P16. 50 naman sa gasolina. 

Bunsod nito, plano ng kanilang grupo na maglunsad ng isang malawakan at mala­kihang pagkilos laban sa pa­mahalaan upang ihirit sa Malakanyang na mabigyang daan na maibaba sa P7 ang halaga ng diesel at maibaba ng P7.68 ang halaga ng ga­solina, suspindehin ang oil deregulation law, magkaroon ng moratorium sa pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo.

Kung hindi anya magaga­wan ng paraan ito ng pama­halaan, mawawalang saysay lamang ang P 8.50 minimum pasahe na ipinagkaloob noong isang linggo ng LTFRB. 

Una rito, inulat ng think tank Ibon Foundation na uma­abot na sa P12 kada litro ang overprice sa presyo ng langis sa bansa.

Show comments