Kelot isinako

Isang bangkay ng lalaki na isiniksik at pinagkasya sa sako ng bigas ang  na­tag­puan ng mga motorista sa liblib na lugar ng Pacific Ave., kanto ng Diosdado Ma­ca­pagal Blvd., kahapon ng umaga sa Parañaque City. Isinalarawan  ang bik­tima na nasa edad 30-35, may taas na 5’1’’–5’2’’, ka­tamtaman ang katawan, kayu­manggi, may tattoo sa kanang braso na  ‘Mayor’, naka-polo shirt, maong pants at rubber shoes.  Batay sa imbestigasyon, natukla­san ang bang­kay pasado alas-11 ng umaga ma­tapos na mapansin  ng ilang motorista sa tabing kalsada ng Pacific Avenue. Nang siyasatin ng mga awto­ridad ay tumambad sa kanila ang biktima na na­warak ang kata­wan sanhi ng maraming tama ng sak­sak, habang naka­gapos ang dalawang kamay nito.  (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments