CAMANAVA police sinasanay ng FBI

Inaasahang mas mapapa­ga­ling pa umano ang abilidad ng mga pulis ng Northern Police District Office na pawang naka­talaga sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMA­NAVA) area matapos na sana­yin ang mga ito ng mga experts mula sa Federal Bureau of In­vestigation (FBI) ng Amerika.

Nabatid sa impormasyong nakalap sa NPDO na ang na­sabing mga experts mula sa FBI ay magbibigay ng mga serye ng pagsasanay sa kapulisan ng nasabing distrito na sinimulan kahapon. Ang nasabing serye ng pagsasanay umano na ini­handog ng FBI sa mga pulis-NPD ay naka-sentro sa epekti­bong paglutas ng mga krimen sa pamamagitan ng crime scene management at crime analysis.  Napag-isipan umano ng NPDO na anyayahan ang mga FBI experts para na rin mas mabigyan pa ng sapat na kasanayan, kaalaman at kaga­lingan ang mga kapulisan sa kanilang kinasasakupan sa pag­sugpo at paglutas sa luma­lalang krimen sa CAMANAVA area. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments