Sex trip sa boulevard, 7 bading dinampot

Pitong bakla na ini­rek­lamong gumagawa ng sex trip at ibang kalas­waan sa madilim na ba­hagi ng Roxas Blvd. sa Pasay City ang inaresto ng pulisya kahapon ng madaling-araw sa natu­rang lugar.

Ang mga naaresto ay kinilala ng pulisya na sina Julius Labadan, 32, food server, ng 108-C David St., Pasay City; Raul Or­tega, 23, helper, resi­dente ng 204 Santos Village, Las Piñas City; Ben Lo­well Bacon, 25, ng 57 Lot 6, Villa Apollonia, Naic, Cavite; June Sa­vellano, 22, food server ng 307 G. Villanueva St., Pasay City; Robert Mo­rico, 28, ng 307 G. Villa­nueva St., Pasay City; Do­mingo Mariano, 28 ng #57 Russel St., Pasay at Fer­dinand Brio­nes, 28, Campus Minister, ng #2344 Tramo/Celeri­dad St., Pasay City.

Sina Ortega at Laba­dan ay naaktuhang gu­ma­gawa ng kalaswaan o sex trip sa harap ng mga taong dumaraan nang madakip.

Ang mga suspek ay agad na sinampahan ng kasong grave scandal sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Gayunman, napaulat na inatake sa puso at na­matay si Ortega habang na­­ka­kulong kahapon ng umaga. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments