Motel nasunog

Nagkagulo  ang  mga naka-check-in sa isang motel ma­tapos itong lamunin ng apoy kung saan tinatayang nasa P1 million halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na na­ganap kamakalawa ng gabi sa  Caloocan City.

Nagtuturuan naman ang pa­munuan ng Glonardian Lodge at katabi nitong Diesel Calib­ra­tion Services sa #319 EDSA kung kanino nagsimula ang sunog. 

Sa pagsisiyasat ni SFO3 Alex Marquez, alas-11:42 ng gabi nang magsimula ang sunog sa pagitan ng dalawang nasabing establisimiyento. Agad na kumalat ang apoy kung saan alas-12:45 na ng mada­ling-araw  nang maapula ito.

Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog kung saan tinatayang aabot sa P1M halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy. (Lordeth Bonilla)

Show comments