Mga nag-lipo sa nasawing OFW, pinalaya

Pinalaya na ng Quezon City Police Homicide Division ang tatlong doktor , dalawang nurse at isang clinic attendant na nagsagawa ng liposuction sa nasawing  OFW matapos ipag-utos ng QC prosecutors Office na walang dahilan upang idetained ang mga ito ng mahabang panahon.

Sa isang panayam, sinabi ni Col. Lino Banaag, hepe ng Ho­micide Division ng QC Police, sinabi nitong ipinag­bigay-alam sa kanila ng PNP Crime Lab at sa QC court ang resulta ng kanilang inisyal na ginawang pag-autopsy sa bangkay ng OFW na si Mary Jane Arciaga, 29  na ang re­sulta ay aabutin pa ng dala­wang buwan bago madeter­mina  ang tunay na ikinamatay ng biktima.

Ang mga pinalayang mga doktor at nurse ay  pawang em­pleyado ng Borough Medi­cal Care Institute na nasa Cyber One building Eastwood Cyberpark E. Rodriguez QC.

Sinabi ni Col. Banaag na malamang sa buwan pa ng Set­yembre nila malalaman ang sanhi ng tunay na pagka­matay ng biktimang si Mary Jane Arciaga, OFW buhat sa Dubai dahil sa bu­wang ito pa lamang mata­tapos ang pagbusisi ng PNP crime Lab sa bangkay ng biktima. (Angie dela Cruz)

Show comments