Bespren tinodas

Sa kamatayan nauwi ang dating magandang pagsa­samahan ng dalawang mag­kaibigan nang pagsasaksakin at napatay ang  isang 47- anyos na miyembro ng Com­mando gang ng kanyang  ma­talik na kaibigan at kababayan sa Port Area, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Namatay sa pinagyarihan ng insidente ang biktimang si Sergio Amuyo, alyas Bon­dying, ng Baseco Compound, Port Area. Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang alyas Kadong Gurang, 60, tubong Samar, Leyte na tuma­kas matapos ang insidente.

Nagkita umano ang dala­wang magkababayan kaya niyaya ng  biktima ang sus­pek na mag-inuman subalit nang nakaubos na ng ilang bote nang alak ay narinig umano ng ilang residente  na nag­ tatalo ang dalawa hang­gang sa naglabas ng patalim ang  sus­pek at pinagsa­saksak ang bik­tima na nagre­ sulta sa  kan­yang agarang kamatayan.

Nag-ugat umano ang pag­ta­talo ng dalawa nang biruin umano ng biktima ang suspek ang pagiging wanted nito sa pulisya kung  saan mayroon umanong nakabimbin itong kaso sa Cavite. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments