Development Authority (MMDA) ng ‘kamay na bakal’ ang mga jeepney drivers at ilan pang tsuper ng mga pampublikong sasakyan na nagpapatugtog ng malakas ng kanilang mga car stereo.
Kahapon ay unang sinampolan ang mga jeepney driver na bumibiyahe sa Cubao-Aurora sa Quezon City kung saan umabot sa mahigit 20 tsuper ang agad na tiniketan at kinumpiskahan ng kanilang mga car stereo. Binigyang kasiguruhan naman ng MMDA na mababawi ng mga driver ang kanilang stereo sa oras na mabayaran ang multa na P1,000.
Ayon kay MMDA chairman Bayani F. Fernando, ang naturang hakbang ng MMDA ay kasunod na rin ng mga natatanggap nilang reklamo mula sa mga pasahero na bukod sa masakit sa tenga ang malakas na tugtog sa loob ng jeep ay nagiging sanhi din ito ng aksidente dahil kalimitang hindi naririnig ng mga driver ang pagpara ng mga pasahero.
Dagdag pa ng MMDA chief na hindi na dapat sumali pa sa noise pollution‚ ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan dahil matindi na umano ang ingay sa mga kalsada.
“Ang biyahe ay dapat na maging komportable at kaaya-aya, subalit sa lakas ng pagpapatugtog sa loob ng mga jeepney na halos hindi na magkarinigan ang bawat isa ay nagiging “stressful” ang biyahe,” ayon naman sa ilang pasahero.
Sa kabilang dako, ilan naman sa mga driver ng mga pampasaherong jeep ang nagsabi na hindi sila pabor sa pagbabawal sa malakas na pagpapatugtog dahil wala naman umanong katotohanan na hindi nila naririnig ang mga pasahero.Ang pakikinig umano ng musika sa loob ng jeep ng medyo malakas ay panlaban din sa antok at sa pagka-inip. (Rose Tamayo-Tesoro)