Pedicab driver naglason

Dahil sa hindi na nakaya­nang dalhin ang kanyang mga prob­ lema sa buhay kung kaya’t    pinili na lamang ng isang 30-anyos na pedicab driver ang mag­paka­matay sa pamamagi­tan ng pag-inom ng silver cleaner sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang bikti­mang si Joven Laurente, binata ng #1312 Masinop St., Tondo.

Batay sa report ni Det. Jay Santos ng MPD-Homicide  Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ni Ryan,  kinakapatid ng biktima, ang gi­na­wang pagpapakamatay nito sa loob ng comfort room ng ka­nilang bahay.

Nauna rito, huling nakitang buhay ang biktima habang mag-isang umiinom  ng beer sa ha­rapan ng kanilang bahay. Ilang sandali ay napansing palakad-lakad ito hanggang  sa umupo sa isang sulok at nag-iiyak hang­gang sa puma­sok sa CR. Ilang sandali pa’y nakita na itong patay. (G.dela Cruz)

Show comments