Binatilyo todas sa ‘tripper’

Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ang isang 18-anyos na estud­yante, habang kritikal ang isa pa makaraang pagsa­sak­sakin ng dalawang ka­bataang umano’y tripper sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Namatay habang gina­gamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rodante Polanco, ng Road 10 compound, Blk. 06 Mag­­saysay St., Tondo, habang kri­­tikal naman si Jerry Na­zareno, 20, ng Magsaysay com­pound, Tondo sanhi ng saksak sa katawan.

Inila­rawan ang mga suspek na dalawang binatilyo, tina­tayang nasa 15-16 anyos , isa sa kanila ay nakasuot ng puting t-shirt at shorts na maong pants, habang ang isa ay kinilala sa alyas na “Nonik” na tumakas mata­pos ang insidente. Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang ma­­ganap ang insidente sa harapan ng Brgy. Hall sa kanto ng Roxas at Magsay­say St., Tondo. 

Naglalakad ang dalawa sa naturang lugar nang lapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing inun­dayan ng sak­sak. Nang ina­kalang patay na ang mga ito ay kaswal lamang na naglakad pa­palayo ang mga suspek.

Ayon sa ulat, po­sibleng, nag-trip lamang umano ng mga suspek na nag-abang ng mabibiktima at na­tiyempuhan ang da­lawa. (Grace dela Cruz)

Show comments