Karnaper ng motorsiklo tiklo sa entrapment

Kulungan ang binag­sa­kan ng isang karnaper na tumitira ng mga motor­siklo matapos na malam­bat sa isang entrapment operation nang tangkain nitong ibenta muli sa may-ari ang tinangay na sasak­yan kamakalawa sa Que­zon City. Nakadetine nga­yon sa Quezon City Jail at nahaharap sa kasong car­napping ang suspek na na­kilalang si Ronnie Lazar, ng Culiat Compound, Brgy. Tandang Sora, ng naturang lung­sod. Sa ulat ng QCPD- Anti Carnapping Unit, na­aresto si Lazar matapos na humingi ng saklolo ang biktimang si Carlos Mag­daraog, 45, ng #449 Area 6 Botocan, Project 2, ng na­tu­rang lungsod.

Ayon kay Magdaraog, tinangay ng mga hindi na­kilalang sa­larin ang kan­yang pulang Honda na motor­siklo (TK-5662) sa tapat ng kanyang bahay noong Abril 29. Nag-text naman sa kanya si Lazar at sinabing kailangan niyang tubusin ang motor­siklo sa halagang P10,000.  Dito na humingi ng tulong si Magdaraog sa QCPD na nagplano ng entrapment operation.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dak­main siya ng mga pulis habang tinatanggap ang marked money buhat sa biktima sa pinagkasundu­ang lugar ng mga ito. (Danilo Garcia)

Show comments