Patay ang isang salesman nang pagtulungang saksakin ng tatlong nag-iinu mang suspek na sinita ng una dahil sa ingay ng kanilang videoke kamakalawa sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Fairview General Hospital ang biktimang nakilalang si Rodolfo Tajan, 30, ng Don Vicente Hilltop Compound, Brgy. Bagong Silanganan, ng naturang lungsod. Arestado naman ang isa sa mga suspek na nakilalang si Rock Dichosa, 27, habang pinaghahanap naman ang dalawang nakatakas na kasamahan na sina Julius dela Cruz at Manuel Estrevillo, kapwa residente ng Payatas-A, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa Brgy. San Vicente, ng naturang lungsod. Nagkakasiyahan sa inuman at pagkanta sa videoke ang mga suspek nang lumapit sa um pukan si Tajan at sinita ang labis na ingay ng grupo. Nagalit ang suspek na si Dichosa hanggang isang mainitang pagtatalo ang sumiklab. Nauwi ang komosyon sa suntukan sa pagitan nina Tajan at Dichosa ngunit dahil sa nakainom ang huli ay naagrabyado ito. Dito sinasabing tumulong ang dalawa pang suspek hanggang sa saksakin ng mga ito ang biktima. (Danilo Garcia)