Tila raw natutulog

Tila natutulog lamang na nakaupo nang madis­kubreng patay na ang isang 50-anyos na lalaki sa mataong pasyalan sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga. Inila­rawan ang  biktima na may edad na 50-anyos, may taas na 5’5, payat  ang panganga­tawan, nakasuot ng kulay yellow na t-shirt at itim na pantalon. Dakong alas-9:00 ng umaga nang matuk­lasang patay na ang biktima  sa isang upuan sa Plaza Salamanca sa kanto ng Taft Ave., at T.M.  Kalaw St., Ermita.  (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments