Hipag tinalo ng parking boy

Inaresto kahapon ng pulisya ang isang 23-anyos na parking boy na nag­molestiya sa kan­yang sampung taong gulang na hipag kama­kailan lamang sa Pasay  City.

Nakakulong sa Pasay City Police at nahaharap sa kasong   paglabag sa New Anti-Rape Law si Michael Rodolfo Roces, taga Go­quiolay St., Pasay City.

Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Mo­net, 10-anyos, ng na­bang­git na lugar.

Sa salaysay nito sa mga pulis, nag-umpi­sang molestiyahin siya ng kan­yang bayaw no­ong Enero 16 ng taong kasalukuyan, kung saan tinitiyempuhan nito na tulog na ang lahat niyang kasambahay lalu na ang misis nito na kan­yang ate.  (Lordeth Bonilla)

Show comments