Isang piloto ang inireklamo kahapon nang pang-aabusong sexual sa Pasay City Police ng kanyang dating nobya makaraang pasukan niya ng bote ng beer ang ari nito at i-anal sex ang babae sa isang motel kamakailan.
Matinding galit habang nagsasalaysay sa pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Malou, 34, dalaga, 1st officer pilot ng Air Philippines, residente ng Boston St., Brookside Hills, Cainta, Rizal.
Kinilala naman ang suspek na si Captain Arthur Vicencio, 41, nakatalagang piloto sa nabanggit na airline at residente ng #78-1 United Nation Avenue, Better Living, Parañaque City.
Sinabi ni Malou na naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:00 at alas 9:00 ng gabi ng Abril 24, sa Monaliza Motel sa Pasay City. Dati niyang nobyo ang suspek.
Sinabi ng biktima na puwersahan siyang dinala ni Vicencio sa motel sa kabila ng pagmamakaawa niya.
Ngunit walang magawa ang dalaga dahil mas malakas sa kanya ito at sa loob ng motel, sa kabila na walang tigil na pagmamakaawa ng dalaga ay puwersahan siyang hinalay ng lalaki.
Kumuha pa ng isang bote ng beer na meron pang laman ang suspek at ipinasok sa ari ng dalaga hanggang sa binuhos ang laman nito sa kanyang ari at i-anal sex siya.
Hindi makakilos ang dalaga sa ginawang pambababoy sa kanya ng lalaki dahil dinaganan siya nito, kung saan nagdugo ang bandang puwetan at ari ng dalaga sa ginawa sa kanya ng suspek. Matapos nito ay basta-basta na lamang iniwan ng lalaki ang biktima sa motel.
Isang nagngangalang Manny ang tumulong sa kanya para maihatid siya sa Heritage Hotel.
Habang naglilinis ang biktima sa loob ng comfort room ng kanyang kuwarto lumabas sa ari nito ang likido at dugo at nakaramdam siya ng matinding sakit.
Pagkatapos ay nagtungo siya sa Camp Crame upang magreklamo ngunit itinuro siya sa Women’s and Children’s Protection Desk, ng Pasay City Police at kahapon nga ay nagtungo siya rito upang ireklamo ang kalupitang sinapit nito sa dating nobyo.