Matapos mag-away ng kanyang boyfriend, isang 15-anyos na dalagita ang nagtangkang magpatiwakal matapos itong uminom ng lason, kahapon ng umaga sa Navotas City.
Inoobserbahan pa sa Tondo Medical Center ang maselang kalagayan ng biktimang si Bernadette Bernabe-de Leon, nakatira sa #15 Monroy St., ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa mga kaanak ng dalagita, nabatid na nag-away ang biktima at ang boyfriend nito na nakilala sa pangalang Boy. Dakong alas-5:55 ng umaga, laking gulat ni Andrea de Leon, ina ng biktima nang makitang nakahandusay ang anak sa loob ng kanilang comfort room ng kanilang bahay na bumubula ang bibig kung saan nakita ang isang bote na naglalaman ng chemical silver nitrate, na posibleng ito ang ininom ng dalagita.
May hinala ang pulisya, na tinangkang kitlin ng dalagita ang kanyang buhay dahil sa labis na paghihinagpis nito matapos mag-away ng kanyang nobyo. (Lordeth Bonilla)