‘Tulak’ tepok sa buy-bust

Patay ang isang hini­hinalang drug pusher ma­tapos na pumalag  uma­no sa mga umaarestong pulis sa isang buy-bust operation kamakalawa sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na nakilalang si Bayba­yan Alibar, 31, ng Ma­guin­danao St., Al Salaam Mosque, Brgy. Culiat, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente da­kong alas-12:35 kama­ka­lawa ng hapon sa tapat mis­mo ng bahay ng suspek.

Isang pulis umano ang nagpanggap na buyer kung saan nagka­abutan ng shabu kapalit ng halagang P1,000.  Na­katunog naman umano ang suspek na lalambatin siya ng mga pulis kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang buyer.

Nagawa naman uma­nong makalayo agad at makailag sa bala ang pulis na buyer habang su­­ maklolo na ang mga nag­hihintay na kasama­han nito nang tadtarin ng bala ang suspek sanhi ng ka­matayan nito. (Danilo Garcia)

Show comments