Bawas sa pasahe tinutukan

Binubusisi ng pamu­nuan ng Land Trans­por­tation Franchising and Regulatory Board ang ipa­lalabas na desisyon nito hinggil sa inihaing fare re­duction ng ilang bus ope­rators sa Metro Manila.

Sa isang pulong-bali­taan sa Daungan sa Da­narra Hotel, sinabi ni Atty. Zena Tamayo, legal offi­cer ng LTFRB, maliban sa petisyong inihain ng mga operators ng Provincial Bus Operators Associa­tion of the Philippines noong Abril 16 na humi­hingi ng 30-centavo per kilo­meter fare hike sa lahat ng ordinary buses na may ruta mula Maynila papuntang mga probin­siya at vice versa ay may nakasampa ring petisyon para sa bawas  pasahe.

Sinabi ni Tamayo, unang reresolbahin ng LTFRB ang petisyon na ini­hain ng 12 bus firms mula sa grupong North East Manila Bus Ope­rators Group noong naka­lipas na Pebrero na hu­mihiling sa ahensya ng ipatupad ng 30-percent fare rollback sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)

Show comments