Lolong Hapones arestado

Isang 68-anyos na Hapones ang dinakip matapos na irek­lamo ng isang “prostitute” na umano’y hindi nito binayaran sa ‘serbisyo’ kahapon ng madaling- araw sa Malate, Maynila.

Inihahanda na ang kasong acts of lasciviousness at physical injuries laban sa suspek na si Tatsuo Sugimarou, pansaman­talang nanunuluyan sa Room 809 ng Mabini Mansion, Malate, Manila.

Ito’y matapos pormal na maghain ng reklamo sa Manila Police District-General Assign­ment Section (GAS) si Manni­lyn Samson, 23, ng Pasay City.

Sa report ni PO3 Knowmie Sia ng MPD-GAS, dakong alas-2:05 ng madaling-araw nang arestuhin ang suspek sa loob ng tinutuluyan nitong hotel.

Nabatid na kinuha ng sus­pek ang serbisyo ng biktima sa LA Café and Restaurant sa Ma­late, Maynila matapos magka­sundo na magbabayad ang Ha­pones ng P3-libo sa pakiki­pagtalik.

Isinisi ng babae na hindi umano ‘kaya’ ng suspek na isa­gawa ang pakikipagtalik kahit ilang oras na silang nagtatabi kaya uminit ang ulo ng huli at ipi­nagtabuyan ang babae pa­labas ng kuwarto ng hotel.

Nang singilin umano ng ba­bae ay nagdahilan ang suspek na hindi naman natuloy ang pagta­talik kaya hindi siya dapat magbayad.

Nang mamataan ng babae sina SPO2 Florencio Vicedo at SPO2 Efren De Guzman ay hu­mingi umano ito ng tulong para ipadakip ang suspek. (Ludy Bermudo)

Show comments