Penal colony tataniman ng palay

Ikinokonsidera ng lokal na pamahalaan ng Puerto Prin­cesa, Palawan na may ma­laking maiaambag ang pina­ka­matandang kulungan sa bansa sa nakaambang ka­kapusan ng suplay ng bigas sa bansa.

Sa isang press con­fe­rence sa Quezon City, sinabi ni  Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn na matagal nang pinakikinaba­ngan ng ilang mga preso ang Iwahig Penal Colony sa na­sabing lalawigan dahil sa mga nakatanim na mga palay at iba pang gulay dito.

Anya, tinatatayang karag­dagang 40 milyong tonelada ng palay ang maaaring ibigay ng Iwahig Penal colony sa pro­duksyong bigas ng Na­tional Food Authority (NFA) at De­partment of Agriculture (DA).

Ipinagmalaki pa ng al­kalde na ang 25,000 ektar­yang lupain ng Iwahig ay napa­palibutan ng 60 por­siyento hang­gang 70 por­siyen­tong kagubatan.

Idinagdag pa ni Hagedorn na nag-commit na rin umano si Bureau of Correction (Bucor) chief Oscar Calderon na ibibigay nito ang limang ektaryang lupain na maaaring pagtaniman ng palay. (Angie dela Cruz)

Show comments