Ex-konsehal ng Maynila natagpuang patay

Natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay ang dating konsehal ng Manila na si Rufino Bunsoy, 59, kamakalawa ng gabi. 

Ayon kay Chief Insp. Domi­nador Arevalo Jr., hepe ng Manila Police District (MPD)- Ho­mi­cide section, si Bunsoy na residente ng 1963 Patino St., Sta. Ana ay dating Konsehal ng 5th District ng Manila. 

Tumanggi naman ang mga kaanak ni Bunsoy na paimbesti­gahan ang pagkamatay nito dahil naniniwala sila na ito ay namatay dahil sa sakit.

Ayon sa ilang kamag-anak, posible umanong inatake sa puso o binangungot ang sanhi ng pagkamatay ni Bunsoy at naniniwala silang walang na­ganap na foul play sa pagka­matay nito. (Grace dela Cruz)

Show comments