22 oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Maynila at Caloocan City sa Marso 29 araw ng Sabado mula ala-1 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi.
Ayon sa pamunuan ng Maynilad Water Services Inc, ang pagkawala ng suplay ng tubig sa naturang lugar ay dulot ng gagawing repair sa dalawang tubo ng tubig sa mainlines sa kahabaan ng Rizal Ave. Extension malapit sa R. Papa St., Caloocan-Manila boundary.
Ang mga lugar na walang tubig sa Maynila ay ang Rizal Avenue, Mayhaligue, E. Remigio, Quezon Blvd., C.M. Recto, Estero Dela Reina, at Dagupan Ext. boundary ng Juan Luna, Muelle Del Banco National (Pasig River), Quezon Blvd., at C.M. Recto.; at bahagi ng Rizal Avenue, Aurora Blvd. at Blumentritt.
Sa Caloocan, ang mga apektado ay ang 5th Avenue, A. Bonifacio, C-3 road, Chinese Cemetery, R. Papa (Creek) at sa may PNR Railroad.
Gayundin, sa naturang araw ay magiging mahina naman ang daloy ng tubig sa may Blumentritt, Antipolo, Aurora Blvd. at Dimasalang sa Maynila. (Angie dela Cruz)