Helper lapnos ang mukha sa kuryente

Lapnos ang mukha at katawan ng isang 24-an­yos na helper makaraang mahagip ng linya ng kur­yente kamaka­lawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ginagamot ngayon sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang biktimang si  Joseph Manalo, helper, ng 11 Del Pilar St., Blk. 22 Lot 34, Rosario, San Pedro Laguna sanhi ng tinamong pagkaka­kuryente sa muk­ha at katawan.

Inaalam naman ng pu­lisya kung hanggang saan ang pananagutan ni Al­fonso  Aguilon, 54, crane operator ng Cyborg Equip­ment Leasing Corp., ng #651  Kagitingan St., Del Pan Tondo.

Sa report ng pu­lisya, dakong alas-5:30 ng ha­pon  nang maganap ang in­si­dente sa Harbour  Center, Gate 2 Zoom De­veloper Lot Area, Tondo.

Ayon sa salaysay ni Richard Advincula, 30, ka­samahan sa trabaho ni  Manalo, nasa ibabaw ang biktima ng isang 40- footer van habang ina­angat ito ng crane na ino-operate ni Agui­lon nang sa pag-ikot ng van ay tamaan ang isang linya ng Meralco dahilan upang makur­ yente ang biktima. (Grace dela Cruz)

Show comments