13 NPA kinasuhan sa pagpaslang sa 2 trader

Kinasuhan na ng Task Force Usig sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 13 rebeldeng New Peo­ple’s Army (NPA) na res­ponsable sa pama­mas­lang sa dalawang negos­yante dahil sa hindi pagbi­bigay ng revolutionary tax sa lalawigan ng Masbate.

Sinabi ni DILG Asst. Sec­retary Danilo Valero na isinampa ang mga kaso laban sa mga rebeldeng NPA sa Masbate Provin­ cial Prosecutor’s Office sa pag­patay kina Virgilio Ba­ginbin nitong Pebrero 26 at Leo­nardo Narido nitong Peb­rero 27 sa bayan ng Espe­ranza.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Dindo Mo­santo, Jerry Mahinan, Allan Bulan, Sonny Tamayo, Luding Tulingin, Bienve­nido Tuing, Berot Bultro, Marlon Dumagan, Duar­ding Nunez, Joel Certifi, Juanito Tamayo, Bordek Reyes at Danilo Mendoza.

Ayon kay TF Usig head Police Director Jefferson Soriano, kapwa pinosasan at sapilitang kinaladkad ang dalawang biktima sa lugar kung saan sila pinas­lang.

Sa kanilang imbes­ti­gas­yon, nakita nilang mo­tibo ang hindi pagbibi­gay ng pera ng mga bik­tima sa extortion activities umano ng NPA.

Muli namang binuksan ng TF Usig ang imbesti­gasyon sa pagkamatay ng biktimang si Joey Javier noong taong 2006 kung saan muli ring isinampa ang kasong murder laban kina Communist Party of the Philippine founder Jose Ma. Sison kasama sina Sa­turnino Agunoy at Sonny Pajarillo.

Una nang klinasipika na cold case  ang kaso ng pagpaslang sa aktibistang si Javier dahil sa walang development sa loob ng isang taon hanggang sa makatagpo ang TF Usig ng mga bagong ebidensya.

Ipinagmalaki ni Valero na nasampahan na nilang ng kaso ang mga suspek sa pa­mamaslang sa 141 akti­bista at mamama­ha­yag.  Nasa 17 sa mga si­­nam­­pa­han ay pawang mga pulis, sundalo o vo­lunteer ng pa­mahalaan na matibay na ebi­densya na wala umano silang kiniki­lingan sa im­bes­tigasyon. (Danilo Garcia)

Show comments