Anak ipinahuli ni Mayor Lim

Ipinaaresto ni Manila Mayor Lim sa mga ele­mento ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang mis­mong kan­yang anak at dalawa pa nitong kasama matapos ang isinagawang buy-bust operation sa  May­nila ka­ma­kalawa ng hapon.  

Sa isinumiteng ulat kay Sr. Usec. Dionisio R. San­tiago, PDEA Director Ge­ne­ral, kini­lala  ang  mga  ina­resto  na sina Manuel Lim, 44, anak ni Mayor Lim at mga kasama­hang sina Joel Sabado, 33; at  Ro­nald D. Pascual, 38.

Nasamsam sa tatlong sus­pek ang may 100 gramo ng shabu na may market value  na  P600,000, sa DDB ka­sunod ng pagsa­sampa ng kaukulang kaso laban sa mga ito.

Nauna rito, isinagawa ang operasyon pasado  ala-1:45 ng hapon kama­kalawa sa isang dental clinic na ma­tatag­puan sa #955 Es­peleta St., Brgy. 298 Zone 29 Dist. III, Sta. Cruz Manila matapos ma­ki­pag-ugnayan mismo si Mayor Lim sa PDEA hinggil sa iligal na aktibidad ng kanyang anak at grupo nito.

Sinabi ni Mayor Lim na hindi niya umano kukun­sin­­tihin at kanyang ipina­aresto kahit pa anak niya mismo ang masangkot sa anu­mang ilegal na akti­bidad.

Dahil dito, sinabi ni San­­tiago na magsilbi ani­yang ehemplo ang naging pag­pa­pasya ni Mayor Lim na wa­sa­kin ang sindikato ng droga sa kanyang na­sasa­kupan kahit pa ka­anak ang nasa­sangkot dito. (Angie dela Cruz, Joy Cantos at Doris Franche)

Show comments