Binatilyo pisak sa cargo truck

Mistulang napisak na   gulay ang isang  18-anyos na binatilyo makaraang magulungan ng isang cargo truck habang ito ay naglalakad sa  Bonifacio Monu­ment Circle (BMC) sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.  Nakilala ang nasawing  biktima na si Johnson Yap, nakatira sa  #70 A. Malonzo Street, Samson Road ng nabanggit na lungsod, hindi na ito nakarating ng buhay nang dalhin sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Na­ka­kulong  at  nahaharap sa ka­song reckless imprudence re­sulting to homicide ang sus­pek na si Dionisio Pagdanga­nan, 52, may-asawa at resi­dente ng Brgy. Lakawan, Taya­bas, Que­zon Province.

Lumalabas sa imbestigas­yon  na  naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling- araw sa BMC, harap ng lumang Ever Gotesco Em­porium, Sam­som Road at pa­nulukan ng Edsa. Ayon sa tes­tigo  nagla­lakad si Yap sa harap ng na­tu­rang establisimyento, nang aksi­denteng salpukin ito ng isang Isuzu cargo truck na may pla­kang GDA-672, na mi­na­ma­neho ni Pagdanganan, da­hilan upang tumilapon ang bik­tima at minalas na magulungan pa ng hulihang gulong ng na­turang cargo truck ang katawan ng binatilyo na nagmistulang pisak na gulay. Agad namang sumuko si Pagdanganan ma­tapos ang aksidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments