2 durog sa killer bus

Dalawa katao ang nasawi matapos silang magulu­ngan ng isang pampa­sa­herong bus na naka­bangga sa sina­sak­yan nilang motor­siklo sa highway ng Ca­lamba City, Laguna ka­maka­lawa.

Halos hindi na ma­kilala ang biktimang si Dexter Correa, 25-anyos na nakaladkad pa ng ilang metro ng bus at residente ng Cabuyao, Laguna.

Kasalukuyan na­mang inaalam ng mga awtori­dad ang pangalan ng isa pang nasawing biktima na kaangkas nito sa motorsiklo na hu­magis sa lakas ng pag­kakabangga at na­bagok ang ulo na siya nitong ikinamatay.

Sa ulat ng Laguna Provincial Police Office (PPO), dakong ala-1:15 ng madaling-araw ng maganap ang insi­dente sa kahabaan ng national highway, Brgy. Lecheria ng lung­sod ng Calamba.

Ayon sa mga imbes­tigador kasalukuyang bumabagtas sa bahagi ng Crossing, Calamba City ang motorsiklong Honda na may plakang TU-6323 na mina­ma­neho  ni Correa kaang­kas ang isa pang biktima nang salpukin ng Astro Liner Bus na may plaka na­mang TWL -351.

 Ang bangkay ng mga biktima ay dinala na sa La Funeraria Se­ne­rez para maisailalim sa awtopsiya.

Humihimas na ng rehas na bakal ang dri­ver ng bus na inaresto ng mga elemento ng Ca­lamba City Police. (Joy Cantos)

Show comments