Kuya inatado ni bunso

Kritikal ang isang kuya makaraang ataduhin ito ng saksak ng kanyang 20-anyos na bunsong ka­patid matapos ang ma­initang argumento ng mga ito hinggil sa nawa­walang cellphone ng huli, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Nelson Reyes, 29, re­sidente ng 106 Primero de Mayor St., ng nabang­git na lungsod na ngayon ay nakaratay sa Pasay City General Hospital dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Samantala kinilala ng pulisya ang nakababa­tang kapatid ng biktima na si John Carlo Reyes, residente rin ng nasabing lugar na agad na na­aresto matapos ang gi­nawa nitong pananaksak sa kanyang kuya.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Jonathan Morales, may hawak ng kaso, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng silid ng biktima.

Lumitaw sa imbesti­gasyon ng pulisya, uminit umano ang ulo ng naka­babatang Reyes  nang hindi nito makita ang kan­yang cellphone na inila­pag niya sa ibabaw ng cabinet.

Sa pag-aakala ng na­ka­babatang Reyes na kinuha ng kanyang kuya ang cellphone pumasok ito sa loob ng kuwarto ng kan­yang kuya at agad itong kinom­pronta na nauwi sa mainitan pang pagtatalo.

Habang nagtatalo ang dalawa, nakadampot ng patalim si John Carlo at inundayan ng saksak sa kata­wan ang nakata­tandang kapatid.

Nang makitang du­guan ang kapatid ay agad na tumakas ito dala ang patalim subalit ilang mi­nuto lamang ang na­ ka­lipas agad siyang na­aresto ng mga awto­ridad.

Sa ngayon ay naka­detine sa detention cell ang batang Reyes, ha­bang inihahanda ang kaso laban dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments