Bank Exec ninakawan ng radio technologist

Isang dalagang Tsi­nay na opisyal ng isang bangko ang personal na nagtungo sa pulisya upang ipagharap ng reklamo ang isang radio technologist na uma­no’y nagnakaw sa kan­yang gintong singsing na may brilyante at nagkaka­halaga ng P.5 million sa loob ng isang klinika sa Caloocan City, ayon sa ulat ng pu­lisya kahapon.

Kinilala ni Supt. Jose Ramirez Valencia, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloo­can City Police ang biktimang si Susan Go y Poh, 53, Assistant Vice-President ng  China Trust Bank.

Pormal namang ini­reklamo ng biktima ang suspek na si Melissa Miguel, 23, dalaga, radio technologist ng Cen­tralle Medical Diagnostic & Polyclinic Inc. sa unang palapag ng AMILI Realty and Development Compound sa M. H. Del Pilar Street, Ca­loocan City.

Ayon sa salaysay ng biktima, dakong alas-11:00 ng umaga nang magtungo siya kasama ang isa nitong emple­yada sa naturang klinika upang magpa-ECG na bahagi ng kanilang annual exa­ mination sa opisina.

Si Miguel umano ang nagsagawa ng conduct ng ECG at bago mag-um­pisa ito ay pinatang­gal umano ang gintong singsing ni Go na may tatlong batong brilyante na nagkakahalaga ng P500,000.

Dahil alam ng bik­tima ang halaga ng kanyang singsing, ma­higpit pa umano niyang ibinilin at ibinigay ito sa suspek subalit sa hindi inaasahan ay nakali­mu­tan ng biktima na kunin ito kay Miguel pagka­tapos ng ECG.

Pagkalabas ng natu­rang klinika ay biglang naalala ng biktima ang kanyang alahas kaya agad itong bumalik upang kunin ang na­iwang singsing subalit hindi na naabutan nito ang suspek at sinabing nakauwi na ito.

Dahilan nito ay agad na nagtungo sa him­ pilan ng pulisya ang bik­tima at pormal na ipag­harap ng reklamo ang suspek.

Show comments