Estudyante malubha sa sagasa ng motor

Kritikal ang isang 17-anyos  na estudyanteng babae makaraang ma­sagasaan ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Alabang-Za­pote Road sa  Las Piñas City.

Inoobserbahan sa  Las Piñas Medical Center ang biktimang si Charmaine De Guz­man, 4th year high school at residente ng 160 Ilang-Ilang St., Almanza I ng na­banggit na lungsod sanhi ng pagkabagok ng ulo at pinsalang tinamo sa katawan.

Papatawid sa kabi­lang kalye ang da­laga patungo sa kani­lang bahay nang ma­bangga ng rumaraga­sang Honda motorcycle na minama­neho ni Michael Domi­nese, 26.

Bunga nito tumilapon nang ilang metro ang layo ang biktima kung saan bumagsak sa semento at tumama ang ulo nito.

Kasalukuyan na­mang nakapiit na sa Las Piñas Traffic Police ang driver ng motorsiklo at naha­harap ito sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical  injury. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments