QC courts, Comelec binulabog ng bomb threat

Nabalam ang traba­ho sa QC Hall of Justice at Commission on Elections sa Maynila nang pare­hong bulabu­gin ng su­nud-sunod na bomb threat ka­hapon ng umaga.

Halos isang oras na natigil ang operasyon sa QC courts partikular ang ikatlong palapag ng gu­sali kahapon ng umaga dahil sa bomb threat.

Nabatid na bago mag-alas-9 ng umaga, naka­tang­gap ng tawag sa tele­pono buhat sa isang babae ang isang tauhan ni  Judge Cenon Maceren ng branch 39 ng MTC na nagsabing may sasabog na bomba sa naturang sala.

Bunsod nito, nabula­bog ang mga tao at isa-isang nagsibabaan sa ground floor ng gusali mula sa kani-kanilang tang­gapan. Nahinto rin ang mga isina­sa­gawang pagdinig sa mga kaso.

Agad namang nag­res­ponde ang mga ta­uhan ng Bomb Disposal Unit sa lugar at ginalugad ang pa­ligid kasama ang mga K-9 dogs at dakong alas-9: 30 ng umaga nang idekla­rang negatibo sa anumang na­katanim na bomba ang lugar.

Matapos pa ang halos kalahating oras ay muling bumalik sa normal ang ope­rasyon.

Naantala rin ang tra­ba­ho sa COMELEC ma­tapos na dalawang ulit na maka­tanggap ng bomb threat  ang nasabing ahen­siya kahapon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Arthur Jimenez, dala­wang ulit na tumawag sa tanggapan ng Education and Information Division (EID) ang isang hindi nag­pakilalang lalaki.

Ang unang tawag ay natanggap umano ng per­sonnel nila na si Te­resa  Canillas bago mag-alas-11 ng umaga kaha­pon. Dito ay pinagmu­mura umano nito ang mga empleyado ng Co­melec kasabay ng pa­hayag na may bomba umano sa gusali ng Pa­lacio del Gobernador na mata­tagpuan  sa Intra­muros, Maynila.

Makalipas ang ilang sandali ay muli umanong tumawag ang lalaki at  sinabing eksakto alas-11 ng umaga ay sasabog ang bomba.

Dahil dito, kaagad na pinababa ng kanilang mga tanggapan ang mga em­ple­yado ng Comelec na nag-oopisina sa Pa­lacio del Gobernador at sinecure  ang lugar sanhi upang ma­antala ang trabaho ng mga ito.

Kaagad din namang nakabalik sa trabaho ang mga empleyado matapos na  makumpirmang nega­tibo sa bomba ang gusali. (Angie dela Cruz at Doris Franche)

Show comments