12 oras walang tubig sa Caloocan

Simula  sa Linggo ng gabi  ay mawawalan ng tubig ang ilang lugar  sa lungsod ng Calo­ocan  sa loob ng may 12 oras.

Sa naging pahayag kaha­pon ng pamunuan ng May­nilad,  makakaranas ng water inter­ruption ang area ng Ba­gong Barrio, Morning Breeze at East Grace Park.

Ang mga partikular na lugar na  ma­aapek­tuhan  ay ang  10th Ave­nue, Rizal Ave­nue, J. Mariano, Barangay 86 hang­gang  91, Ba­rangay 93 hang­gang Ba­rangay 100, Tirad Pass, Mac Arthur, Cloverleaf, Barangay 81, 83 hanggang 85, Ba­rangay 134, Samson Road, ma­­lapit sa Edsa at MacArthur Highway.

Magsi­simulang ma­walan ng tubig sa mga na­bang­git na lugar dakong alas-11 ng gabi ng Linggo, Pebrero 17 hang­gang Lunes, Pebrero 18, dakong alas-11 ng umaga.

“The water service inter­ruption is due to the decom­mis­sioning of the old 200-mm mainline and interconnection of the newly-laid line along EDSA near corner Kalaanan St. to near corner B. Serrano, Calo­ocan City,” ayon sa Maynilad.

Payo ng Maynilad sa mga residente, hanggang maaga aniya  ay mag-ipon na ng ma­raming tubig  at tumawag sa kanilang hotline sa 1626 or 4362000 magpadala ng text, Maynilad  2898. (Lordeth Bonilla at Angie dela Cruz)

Show comments