Dalawang miyembro ng “Bolt Cutter Gang” ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na umano’y nambibiktima sa ilang mga internet shops sa Maynila at sa kalapit lugar nito.
Nakilala ang mga suspek na sina Romeo Lorenzo at Rodel Lorenzo.
Nadakip ang mga suspek sa #825 Leyte St., Sampaloc, Maynila at narekober dito ang 30 CPU’s, 30 pcs. computer monitors, 18 pcs. computer keyboards at ilang computer accessories, isang bag na naglalaman ng iba’t ibang wrist watches, acetylene tanks, bladed weapons, isang jeep na may plakang DLC-860 at isang tricycle na ginagamit umano ng nabanggit na grupo sa illegal na aktibidad nito.
Sinabi naman ni MPD District Director Roberto Rosales na patuloy na magsasagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ng MPD upang malansag ang mga sindikatong namemerwisyo umano ng mga negosyong tulad ng internet shops at pawnshops sa Maynila. (Grace dela Cruz)