Naglaan ang Quezon City government ng halagang P1 milyon pondo para pondohan ang kampanya ng lokal na pamahalaan kontra sa sakit na dengue.
Ang Quezon City bukod sa Maynila at Caloocan City sa Metro Manila na mahigpit na sinusubay bayan ng Department of Health (DOH) dahil sa naitatalang mga kaso ng dengue.
Batay sa rekord ng QC Health Office, ngayong Enero ng taong ito, may kabuuang 89 katao na ang napaulat na nagkaroon ng sakit na dengue at apat mula dito ay namatay na.
Limang barangay ang higit na minomonitor ng husto ng QC health office sa mga kaso ng dengue dahil sa pagtaas ng dengue cases dito.
Ang mga lugar na ito ay ang barangays Commonwealth, Batasan Hills, Holy Spirit, Fairview at Old Balara.
Una rito, inatasan ni QC Mayor Feliciano Belmonte ang city health office, barangay officials at local health workers na magtulungan para mapalakas pa ang kampanya ng city government laban sa dengue. (Angie dela Cruz)