Ex-Tanod tinambangan

Isang dating barangay tanod ang tinambangan ng dalawang kalalakihan habang patungo sana  siya sa korte upang tumistigo sa naganap na dayaan noong nakaraang halalang pang-barangay kahapon ng tanghali sa Malabon City.

Nasawi noon  din ang biktimang si  Manuel Tiongson, 34, may-asawa,  residente ng Block 14, Damata, Letre, Barangay Tonsuya,  ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa batok buhat sa kalibre 9mm. Hinahanting naman ng pulisya ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Nakasakay sa motorsiklo ang biktima upang magtungo sa Malabon City Justice Hall upang tumistigo sa naganap na dayaan noong nakaraang halalang pang barangay nang biglang harangin at pagbabarilin ng mga suspek.  (Lordeth Bonilla)

Show comments