Producer sinalisihan

Isang segment producer ng ABS-CBN na si Cecili  Arpon Clerigo, 28, ang nabiktima ng isang miyembro ng Salisi Gang sa Caloocan City kahapon ng umaga bagaman nahuli kinalaunan ang suspek na si Ian Mark Name ng Bisig ng Kabataan ng naturang lunsod.

Sinabi ni Clerigo sa pulisya na ini­lapag lang muna niya ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone, MP 4 at salapi habang binubuksan niya ang kanyang tindahan sa ikalawang palapag ng Araneta Square sa Bonifacio Monu­ment Circle nang bigla itong damputin ni Name.     

Pero nadakip ng nagrespondeng mga taumbayan ang suspek.

Ayon naman kay Name, nagawa niyang nakawin ang bag ni Clerigo dahil kailangan niya umano ng pera na pam­bili ng gamot ng maysakit na ina. Hindi nakumbinsi ang biktima matapos mala­man na gumagamit ng bawal na droga ang suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments