Binati kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim si Mayor Sonny Belmonte matapos mapabilang ang Quezon Ciy sa Top 10 Asian Cities of the Future.
“I congratulate Quezon City. Magaling ang mayor nila,” pahayag ng 78-anyos na si Mayor Lim.
Sa 200 Asian cities, pang-pito ang Quezon City sa survey na isinagawa ng London Financial Times sa pamamagitan ng AsiaBiz Strategy, isang investment and trade promotion consultancy na naka-base sa Singapore.
Nakuha naman ng Hong Kong, Singapore at Taipei ang top three spots.
Ayon kay Lim, bagamat hindi nakabilang ang Maynila sa top 10 cities sa Asya, ginagawa naman nito ang lahat para linisin ang siyudad at makahabol sa Quezon City.
“But at the moment, I salute Mayor Belmonte,” wika ni Lim.
Napili din ang Quezon City bilang No. 5 sa kategoryang “Best Economic Potential,” no. 3 sa “Cost Effectiveness,” no. 6 sa “Best Human Resources,” at no. 10 sa “Quality of Life.” (Evelyn Macairan)