Fetus nakuha sa CR ng Palasyo

Isang fetus na naka­lagay sa plastic bag ang natagpuan sa loob ng women’s comfort room sa loob ng New Executive Building sa Malacañang kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa 6 na linggo na ang fetus na na­ka­­silid sa isang kulay blue na plastic bag at inilagay sa ini­doro sa ladies’ com­fort room sa ground floor ng New Executive Build­ing sa Mala­cañang.

Naglilinis ng comfort room ang janitor na si Mark Maningas ban­dang alas-7 ng umaga nang mapansin niya ang isang blue plastic bag na nasa loob ng inidoro.

Sinubukan niyang i-flush ang inidoro subalit hindi lumubog ang na­sabing plastic bag hang­gang sa buksan niya at ma­tuklasang may la­mang fetus.  Kaagad ipi­nag­bigay-alam ng janitor sa Pre­sidential Secu­rity Group (PSG) ang kan­yang na­tukla­sang fetus at nag­sagawa ng imbesti­gasyon ang Special Ope­rations Team ng PSG.

Inaalam naman kung sino ang posib­leng bun­tis na emple­yado ng Mala­cañang na maa­aring nag-iwan ng na­sabing fetus sa CR.

Show comments