Pulis todas sa ambus

Tinambangan at napa­tay ang isang alagad ng batas ng dalawang maska­radong kala­la­kihan na sakay ng motorsiklo sa panibagong karahasan sa Pasig City kahapon ng umaga.

Walong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni PO2 Rolan Faraon, 28, ng #192 Magtanggol St., Brgy. Sumilang at  nakata­laga sa Re­gional Head­quarters Support Group ng National Capital Re­gion Police Office sa Bicutan, Taguig City.

Ayon sa imbestigador na si PO3 Roger Baltazar, na­itala ang pananambang dakong alas-7:15 ng umaga habang nagmamaneho ng Mitsu­bishi Alncer (WAF-212) ang bik­tima patungo sa pina­pasukang NCRPO head­quarter.

Pagsapit sa kahabaan ng M. Flores St. sa Brgy. Bagong Ilog ay dinikitan at pinagba­baril ng isa sa maskaradong lalaki na sakay ng mo­torsiklo hanggang sa bu­mangga ang sasakyan nito sa poste.

Napag-alamang hindi pa na­kuntento ang gunman at si­nun­dan pa ang biktimang naka­­lug­mok na saka binoga sa ulo na pi­naniniwalaang sini­gurong patay.

Nabatid na si PO2 Faraon ay isa sa mga pulis na naka­suhan dahil sa  nakapayola ito sa lider ng sindikato na si Amin Imam Boratong subalit na­absuwelto ilang buwan ang nakalipas dahil sa walang kaukulang ebiden­syang maka­pag-uugnay dito.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na posibleng may ka­ugnayan ang krimen sa sindi­kato ng shabu tiangge na ni-raid ng mga awtoridad noong Pebrero 2006.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa na­sabing krimen.

Show comments