Bebot tinadtad ng bala

Patay ang isang babae makaraang bistayin ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa isang madilim na eskinita kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan ang biktimang si Anabelle Tijara,  habang hindi naman makilala pa ang mga salarin.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang pamamaril dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi sa Capricorn Street, Brgy. San Roque, Bagong Pag-asa, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, nabatid na nakarinig ng magkaka­sunod na putok ang mga residente sa naturang lugar.  Nang kanilang usisain, tu­mam­bad sa kanila ang duguang biktima na wala nang buhay.

Ayon sa mga residente, dati umanong nakatira sa kanilang lugar ang biktima at lumipat na ng lugar.  Huli umanong nakita nila ito na nakikipagtalo sa isang lalaki nitong Disyembre 30.

Patuloy ngayong nagsa­sagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid kung may kaugnayan ang naturang lalaki sa naturang krimen habang inaalam rin ang posibleng motibo kabilang na ang anggulo sa droga. (Danilo Garcia)

Show comments