Pulisya nagbabala sa recycled na ‘boga’

Nagbabala ang pamunuan ng Quezon City Police District sa kanilang mga tauhan na huwag  ipupuslit ang mga nakum­piskang mga iligal na paputok at “boga” para i-recycle.

Dahil dito, ipinag-utos ni QCPD Directorial Staff chief, Sr. Supt. Federico Laciste Jr. na dalhin lahat ng nakumpiskang mga paputok at boga ng 11 istasyon ng pulisya sa lungsod ng Quezon sa Camp Karingal upang hindi mapunta sa “mabu­buting” kamay.

Ipinag-utos rin ni Laciste ang “full inventory” sa mga nakum­piskang paputok at boga upang matiyak na hindi magagawang makapamuslit maging ng kanilang mga tauhan na nais maka­libre ng paputok ngayong Bagong Taon. (Danilo Garcia)

Show comments